top of page

Kahulugan ng lumutang at bumagsak

  • BULGAR
  • Sep 6, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 6, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ben ng Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bigla akong lumutang, tapos nahilo at namutla ako. Tapos, bigla rin akong bumagsak.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Ben


Sa iyo, Ben,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na lumutang ka ay mabibigo ka sa iyong first love. Ito rin ay nangangahulugan na nalilito ka kung ano ang tamang desisyon.


Ang nahilo at namutla ka ay nagpapahiwatig na iwasan mong sumobra sa pagtatrabaho o huwag kang mag-overwork. Alalahanin mo na health is wealth. Daig ng kalusugan ang kayamanan. Ang may magandang kalusugan ay hindi matutumbasan ng anumang yaman.


Samantala, ang bigla kang bumagsak ay nangangahulugang mawawalan ka ng ari-arian. Ito rin ay nagpapahiwatig na maaaring matanggal ka sa iyong trabaho o ma-demote sa kasalukuyan mong posisyon.


Huwag kang mawalan ng pag-asa, kumapit ka sa Diyos at ugaliin mong magdasal at humingi ng gabay sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page