top of page

Kahulugan ng kulay pink, dilaw at berde

  • BULGAR
  • Jul 3, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 3, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessica ng Bataan.


Dear Maestra,


Isa ako sa marami n’yong tagasubaybay. Kakatapos lang ng aking birthday, ‘yung mga nakaalala lang sa akin ang mga bisita ko. Gustong-gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko, pero busy ako noong mga nakaraang araw.


Napanaginipan ko na niregaluhan ako ng pink na blouse ng best friend ko. Linen ang tela nito, kulay dilaw ang gift wrap at may ribbon na green. Agad ko itong isinuot, tapos ang sarap ng pakiramdam ko habang suot ang naturang blouse.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jessica



Sa iyo, Jessica,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na niregaluhan ka ng iyong best friend ng blouse ay makakatanggap ka ng maganda at kapaki-pakinabang na balita. Magdudulot ito sa iyo ng kagalakan at pag-unlad ng kabuhayan sa susunod na mga araw.


Ang kulay pink ay nagpapahiwatig na susuwertehin ka sa pag-ibig. Ang gift wrap naman na dilaw ay nangangahulugan ng mabilis na pagbabago tungo sa pag-unlad at ang green na ribbon ay may kaugnayan sa pananalapi, kung saan magkakapera ka sa darating na mga araw. Gayunman, hawakan mong mabuti ang naturang pera dahil posibleng maubos ito agad kung hindi ka magiging maingat sa paggasta.


Samantala, ang linen ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang surpresa mula sa malayong lugar. At dahil pink ang linen na iyong natanggap, ibig sabihin ay may mamanahin kang malaking halaga mula sa kaanak mong yumao na.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page