top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng kinain ang tinapay sa kahon

BULGAR
Jun 26, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 26, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nagbigay sa akin ng maliit na kahon at nang buksan ko ito, may laman na tinapay. Mukhang masarap ‘yung tinapay kaya kinain ko ito agad.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorna


Sa iyo, Lorna,


Ang natanggap mong kahon sa panaginip mo ay nagpapahiwatig ng magandang kapalaran kung saan matutupad ang mga pangarap mo sa buhay.


Samantala, ang tinapay na laman ng kahon at kinain mo ito agad dahil mukhang masarap ay nangangahulugan na malulusutan mo ang lahat ng sagabal sa iyong mga plano sa buhay at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga binabalak.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page