top of page

Kahulugan ng kinagat ng langgam

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 2, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 2, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tirso ng Davao.


Dear Maestra,


Libang na libang ako sa pagbabasa ng kolum n’yo tungkol sa mga panaginip dahil ‘yung iba ay kagaya ng mga panaginip ko. Dahil du’n, gusto ko ring magpaanalisa sa inyo.


Napanaginipan ko na pumunta ako sa farm namin, tapos may nakita akong mga usa.


Na-attract ako sa mga sungay nila at gustong-gusto kong tingnan ang kakaibang korte ng kanilang sungay. Hindi ko napansin na maraming langgam sa kinatatayuan ko.


Kinagat ako ng langgam, kaya napatakbo ako at lumayo sa lugar na ‘yun.


Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

Tirso


Sa iyo, Tirso,


Depende sa farm ang ibig sabihin ng panaginip mo. Kung maganda ang farm n’yo, ibig sabihin ay matutupad mo ang lahat ng iyong mga pangarap. Kung tuyot, hindi malago at nalalanta na ang mga tanim, hard work ang ipinahihiwatig nito. Kailangan mong magtrabaho nang husto upang magtagumpay.


Ang mga usa naman na nakita mo at na-attract ka sa mga sungay nito ay nagpapahiwatig na pinipilit mong pagsabay-sabayin ang mga gusto mong makamit sa buhay. Ang resulta nito, hindi mo maaabot ang kahit isa sa mga ito, bagkus, kabiguan ang madalas mong mararanasan.


Samantala, ang nakagat ka ng langgam ay nagpapahiwatig na makakapagtrabaho ka sa isang siyudad kung saan kakailanganin mong magtrabaho nang sagad para makamit ang iyong pangarap. Makakaranas ka rin ng pagkainis at pagkabagot sa buhay.


Gayunman, tuloy-tuloy kang magsusumikap para abutin ang minimithi mong tagumpay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page