top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng kalamidad at paru-paro

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 8, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joseph ng Malolos.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sunud-sunod ang calamities sa amin at nitong huli ay bumaha na.


Lumusong ako sa baha at may paru-parong akong nakita na lumipad malapit sa akin, at umikut-ikot ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Joseph


Sa iyo, Joseph,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sunud-sunod ang kalamidad sa lugar n’yo, ay mapo-promote sa trabaho ang isa sa mga kaibigan mo. Sunud-sunod din ang magagandang bagay na magaganap sa buhay niya. Susuwertehin din siya sa negosyong binabalak niyang umpisahan.


Ang lumusong ka sa baha, ay nangangahulugang ang personal mong buhay ay magiging maayos at punung-puno ng pagpapala.


Samantala, ang paru-parong nakita mong lumilipad na lumapit sa iyo, at umikut-ikot, ay senyales ng kaligayahan. Magiging masaya ang buhay mo sa susunod na mga araw, matatapos na ang mga kalungkutang dinanas mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page