top of page

Kahulugan ng kabilugan ng buwan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2024
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 9, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joshua ng Oriental Mindoro. 


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na kabilugan ng buwan, kung kaya’t naisipan namin ng mga kaibigan ko na manghuli ng alimasag sa dagat. Ang dami naming nahuli, buhay na buhay at naninipit pa. 


Ngunit sa kasamaang palad, nasipit ako ng alimasag na nahuli ko. Pagdating sa bahay, agad ko itong niluto. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko.


Naghihintay,

Joshua

Sa iyo, Joshua,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kabilugan ng buwan ay kaligayahan at tagumpay sa piling ng iyong mapapangasawa. Ang nanghuli kayo ng mga kaibigan mo ng alimasag, at nasipit ka ay babala na iwasan mong mag-travel sa dagat dahil may posibilidad na maaksidente ka sa karagatan.


Samantala, ‘yung niluto mo ang alimasag na nahuli mo ay nagpapahiwatig na may dadaluhan kang masayang pagtitipon na kung saan masisiyahan kayo ng mga kaibigan mo. Bawat isa na wala pang asawa ay ima-match sa mga dumalo na naghahanap ng kapareha sa buhay. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page