top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng iyak-tawa ang beybi at nakipagkuwentuhan sa banker

BULGAR
Sep 26, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 26, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Geneva ng Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na iyak nang iyak ang baby ko dahil naubos na ang gatas na iniinom niya. Nagtimpla agad ako ng gatas upang ipainom sa kanya at natuwa naman siya. Maya-maya ay tumawa naman nang tumawa ang baby ko. Naisipan kong pumunta sa bangko para mag-withdraw ng pera na pambili ng maraming gatas. May nakilala akong banker at nagkakuwentuhan kami.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Geneva


Sa iyo, Geneva,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na iyak nang iyak ang baby mo dahil naubos na ang gatas na iniinom niya ay makakaranas ka ng matinding pagsubok sa buhay. Ang nagtimpla ka ulit ng gatas para ipainom sa kanya at natuwa naman siya, at tumawa nang tumawa ay nagpapahiwatig na marami kang kaibigan na handang tumulong sa iyo sa sandali ng kagipitan.


Samantala, ang pumunta ka sa bangko para mag-withdraw ng pera na pambili ng maraming gatas ay nagpapahiwatig na marami pang mabibigat na pagsubok ang pagdadaanan mo. May mga sagabal pa sa katuparan ng iyong mga pangarap.


Ang may nakilala kang banker at nagkuwentuhan kayo ay nangangahulugan na huwag kang magpadalos-dalos sa iyong mga plano sa buhay. Kailangan mo ang ibayong pag-iingat sa pagpapasya. Maraming beses ka munang mag-isip upang hindi ka mabiktima ng manloloko.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page