top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng ininsulto ng kapitbahay, itinulak at nasugatan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 20, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Oscar ng Nueva Ecija.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ininsulto ako ng kapitbahay ko sa harap ng maraming tao. Bukod pa ru’n, itinulak pa niya ako, tapos nasubsob at nasugatan ako.


Ano ang kahulugan ng panaginip ko?


Naghihintay,

Oscar

Sa iyo, Oscar,


Hindi maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na ininsulto ka ng kapitbahay mo sa harap ng maraming tao dahil kamalasan sa buhay may-asawa ang ipinahihiwatig nito.


Ibig sabihin, maghihiwalay kayo ng asawa mo dahil sa hindi pagkakaunawaan.


Matatagalan ito at maaaring tuluyan nang mawasak ang pamilya mo kung hindi mo aayusin ang mabibigat na problemang dinaranas n’yo sa kasalukuyan.


Samantala, ang ibig sabihin naman ng itinulak ka, nasubsob at nasugatan ka, kabaligtaran ang ipinahihiwatig nito. Ito ay nangangahulugan na matutuloy ang binabalak mong negosyo.


Gayunman, hindi magtatagumpay ang magiging kakumpitensiya mo, anuman ang gawin nilang paghadlang. Kikita nang husto ang negosyo mo at tuluyan kang magiging mayaman. Uunlad ka at sasagana ang iyong kabuhayan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page