top of page

Kahulugan ng ininsulto ng bf

  • BULGAR
  • Jan 6, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 6, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagcheck-in kami ng dyowa ko sa hotel, pero nagtaka ako dahil pinagsalitaan niya ako ng masakit. Ininsulto niya ako, sa halip na iparamdam ang pagmamahal niya.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Norma


Sa iyo, Norma,


Ang ibig sabihin ng nagcheck-in kayo ng dyowa mo sa hotel ay pagkabigo sa mga pangarap mo sa buhay.


Samantala, ang ininsulto ka ng dyowa mo, sa halip na iparamdam ang pagmamahal niya sa iyo ay nagpapahiwatig ng kasawiang palad. Maghihiwalay kayo ng dyowa mo dahil sa hindi pagkakaunawaan sa maraming bagay. Gayundin, ito ay magpapatuloy nang mahabang panahon kung hindi mo babaguhin ang iyong ugali.


Dahil dito, dapat maging malawak ang iyong isipan. Huwag maging isip-bata sa pagpapasya kung gusto mong lumigaya sa pag-ibig.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page