top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng idinemanda ng kapitbahay

BULGAR
May 7, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 7, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lolit ng Malabon.


Dear Maestra,


Mabait naman ako at kasundo ko ang aking mga kapitbahay, pero napanaginipan ko na nasangkot ako sa isang gulo. Idinemanda ako ng kapitbahay ko, tapos nagharap kami sa korte.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lolit



Sa iyo, Lolit,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasangkot ka sa gulo at idinemanda ng kapitbahay mo ay mahaharap ka sa mga sagabal sa iyong mga plano, partikular sa bagong negosyo na papasukin mo. Marami kang kakaharaping problema, at dahil dito, dapat kang maging maingat sa pakikipagtransaksiyon.


Iwasan mong makipag-deal sa taong hindi mo masyadong kilala dahil malamang na maloloko ka at pagsasamantalahan ng ka-deal mo. Gayundin, iwasan mong magpahiram ng malaking halaga ng pera dahil may babala ang panaginip mo na mawawalan ka ng malaking halaga. Iwasan mo ring bumili ng mamahaling kagamitan dahil maaaring pagsisihan mo ito balang-araw. Gamitin mo ang iyong isip at talino bago ka magpasya.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page