Kahulugan ng iba’t ibang uri ng building
- BULGAR
- Feb 16, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 16, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Makati City.
Dear Maestra,
Madalas akong managinip ng iba’t ibang uri ng building. Noong isang araw, napanaginipan ko na pumunta ako sa isang lugar kung saan lumang-luma na ang mga building at halos babagsak na ito.
Kagabi naman, napanaginipan ko na naglalakad ako sa isang lugar na maraming factories at iba’t ibang shops. Tapos may natanaw naman akong mga bagong building at magagandang subdivision, na para bang mga bahay sa ibang bansa.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Robert
Sa iyo, Robert,
Ang unang panaginip mo tungkol sa building na lumang-luma at halos babagsak na, ito ay nagpapahiwatig ng paghihiwalay. May posibilidad na maghiwalay kayo ng karelasyon mo.
‘Yun namang maraming factories kang nakita at mayroon ding mga shops doon, nangangahulugan ito na matutuon ang isip mo sa pagnenegosyo. Magiging abala ka sa pagpapaunlad ng bagong negosyo na binabalak mong buksan.
Samantala, ang sabi mo ay may natanaw ka ring mga bagong building. Ito naman ay nangangahulugan ng pagbabago ng trabaho. Iiwan mo na ang dati mong trabaho para mag-umpisa ng mas kapaki-pakinabang na gawain.
Ang subdivision naman na may magagandang bahay na tulad ng mga bahay sa ibang bansa ay nagpapahiwatig na magiging maunlad ang personal mong pamumuhay.
Kasaganaan at kayamanan ang nakatakdang mapasaiyo sa darating na mga araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments