Kahulugan ng iba’t ibang tunog ng kampana
- BULGAR
- Aug 5, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 5, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donita ng Malabon.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nagpunta ako sa cathedral malapit sa amin. Nagdasal ako ng taimtim sa harap ng altar. Maya-maya ay tumunog na ‘yung kampana, tamang-tama dahil tapos na akong magdasal kaya umuwi na rin ako sa bahay.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Donita
Sa iyo, Donita,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa cathedral na malapit sa bahay n’yo, ay may mamanahin kang pera mula sa mahal mo sa buhay na namayapa na. Ito rin ay nangangahulugang may matatanggap kang magandang balita mula sa kaibigan mo na naglilingkod sa simbahan.
Samantala, ang nagdasal ka sa loob ng cathedral, ay nagpapahiwatig ng kaligayahan, at
magandang kalusugan.
Ang nadinig mong tumunog ang kampana, ay depende sa tunog ang kahulugan nito. Kung masaya ang tunog ng kampana, ito ay senyales na susuwertehin ka sa pagnenegosyo, kikita ka rito ng malaki. Magiging mapalad ka rin sa pag-aasawa, at magiging masaya ang araw ng kasal n’yo.
Kung mabagal naman ang tunog ng kampana at parang malungkot pakinggan, ito ay babala na mag-isip ka muna bago ka magpasya. Huwag kang magpadalus-dalos sa pagdedesisyon.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments