Kahulugan ng iba’t ibang mukha sa salamin
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 22, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Divina ng Naic, Cavite.
Dear Maestra,
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na pumunta ako sa ladies’ room at nagsalamin ako. Noong una, mukha ko lang ang nakita ko sa salamin, pero habang nakatitig ako sa mukha ko, dumami ang mga mukha na nakikita ko. Nakakita ako ng iba’t ibang tao na hindi ko naman kilala.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Divina
Sa iyo, Divina,
Ang panaginip na nakita mo ang iyong mukha sa salamin ay nangangahulugan na mabubunyag na ang sikreto na matagal mong inilihim sa iyong mga kakilala.
Samantala, ‘yung nakita mo rin sa salamin ang iba’t ibang mukha na hindi mo naman kilala, ito ay nangangahulugan na mag-iiba ka ng pinagkakakitaan. Maaaring magbago ka ng trabaho.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments