top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng iba’t ibang kulay ng rosas

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 15, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Lucban, Quezon.


Dear Maestra,


Madalas akong managinip ng iba’t ibang kulay ng rosas. Kagabi, kulay dilaw ang rose na sumulpot sa bagong bili kong halaman. Last Monday naman, berde ang rose na ibinigay sa akin ng kapitbahay ko. At kahapon naman ay biglang dumating ang dyowa ko at may dala siyang pumpon ng red roses.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gloria


Sa iyo, Gloria,


Maganda ang ipinahihiwatig ng mga rosas sa panaginip mo, maliban sa kulay pula. Ito ay nangangahulugan ng “love” sa positive side, habang “war” naman sa negative side.


Kung mapapansin mo, kapag may hindi magagandang nangyayari sa bansa natin, pula ang nasa itaas ng ating watawat, lalo na kung sakaling magkagiyera, tiyak na pula ang nasa itaas.


Ang pumpon ng rosas na ibinigay sa iyo ng dyowa mo ay nangangahulugang mahal ka niya. Subalit sa isang pagkakamali mo lang, halimbawa ay nakapagsalita ka ng masakit sa kanya, away na ang kahahantungan ng relasyon n’yo na maaaring mauwi sa hiwalayan.


Samantala, ang dilaw na rosas ay nangangahulugan ng mabilis na pagbabago tungo sa pag-unlad at ang berde naman ay may kaugnayan sa pananalapi o money matters, kung saan may posibilidad na magkapera ka. Hawakan mo ito nang mabuti upang hindi maubos agad.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page