top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng fountain

BULGAR
Mar 2, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 2, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Pasig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa park, tapos may fountain du’n at napakaganda ng tubig na nanggagaling sa fountain. Ang sarap ng pakiramdam ko habang pinanonood ang tubig mula sa fountain at maya-maya, dumating ang mga kaibigan ko, tapos pinanood din nila ang tubig sa fountain. Nagkatuwaan kami at masayang nagkuwentuhan habang nakatingin sa fountain.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gloria



Sa iyo, Gloria,


Napakaganda ng ibig sabihin ng panaginip mo dahil ito ay nagpapahiwatig na may mamanahin kang malaking halaga mula sa kaanak mong yumao na. Kumbaga, kasali ka sa will and testament niya.


Samantala, ang mga kaibigan mo naman na dumating sa lugar kung saan pinanonood mo ang fountain, gayundin, masaya kayong nagkuwentuhan habang pinanonood ang tubig sa fountain, ito ay nagpapahiwatig na magiging masaya ang love life mo. Liligaya ka sa larangan ng pagibig.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page