Kahulugan ng chestnut, cherry at orange
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 27, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosalie ng Cainta, Rizal.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na napadaan ako sa palengke, tapos may nakita akong tindero na nagro-roast ng chestnuts sa malaking kawa. Bumili ako dahil nakakatakam ‘yung amoy. Tapos pumunta ako sa tindahan ng mga prutas at bumili naman ako ng cherries at oranges.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rosalie
Sa iyo, Rosalie,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakakita ka ng tindero na nagro-roast ng chestnuts, bumili ka dahil natakam ka sa amoy nito ay susuwertehin ka sa darating na mga araw. Makakatanggap ka ng magagandang offer para pagkakitaan mo. Matatapos na rin ang mga paghihirap mo sa nakaraang mga araw.
Ang cherries ay nagpapahiwatig na mabibigo ka sa larangan ng pag-ibig. May iba nang mahal ang napupusuan mo. Habang ang oranges naman ay nangangahulugan ng paglalakbay kasama ang iyong mga tapat na kaibigan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments