Kahulugan ng cherry, chestnut at cheese
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 12, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Corazon ng Masbate.
Dear Maestra,
Maraming salamat sa napakagandang pag-aanalisa n’yo sa mga panaginip ko. Ako ‘yung madalas magpaanalisa sa inyo at tama lahat ang pagbibigay-kahulugan n’yo sa mga panaginip ko, eksaktong-eksakto sa sinabi n’yo ang mga nangyari.
Dahil d’yan, gusto kong magpaanalisa ulit sa inyo ng panaginip ko. Napanaginipan ko na pumunta ako sa supermarket para bumili ng cherries at chestnuts. Aalis na ako nang bigla kong naalala na bumili na rin ng cheese upang gawing palaman sa tinapay para sa almusal namin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Corazon
Sa iyo, Corazon,
Una sa lahat, maraming salamat sa palagi mong pagsangguni ng iyong mga panaginip. Tunay ngang kalugod-lugod sa puso ko ang malaman na nasisiyahan ka sa pag-aanalisa ko sa mga panaginip mo.
Ang ibig sabihin ng cherries ay pagkabigo sa pag-ibig. Daranas ka ng kabiguan sa iyong karelasyon. Ang chestnuts naman ay nangangahulugan na sa kabila ng mga kabiguan mo sa buhay, ito ay dagling mapapalitan ng kaligayahan.
Samantala, ang cheese ay nagpapahiwatig na hindi tapat ang pagmamahal sa iyo ng minamahal mo. Makiramdam kang mabuti upang hindi na dumanas pa muli ng kabiguan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments