top of page

Kahulugan ng canyon at iba’t ibang malalaking hayop

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 1, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 01, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Larry ng San Rafael, Bulacan

Dear Maestra,


Isa akong sundalo, at kung saan-saan na rin ako na-assign.


Napanaginipan ko na nasa loob ako ng field, habang nagte-training, napansin kong ang daming canyon sa paligid.


Hanggang sa may dumating na iba’t ibang malalaking hayop, at mayroon ding turkey.


Kung kaya’t ginamit ko ‘yung isang canyon, at pinaputukan ko ang malalaking hayop pati na rin ‘yung mga turkey.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Larry

Sa iyo, Larry,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa field ka, maraming iba’t ibang malalaking hayop na dumating, ay labis kang mag-aalala dahil mayroon kang karibal sa puso ng iyong minamahal, at handa siyang gawin ang lahat para mabaling sa kanya ang pagtingin ng iyong nobya.


Ang mga turkey naman, ay babala ng pagkalugi sa negosyo. Wala kang magagawa hanggang sa tuluyang ma-bankrupt ito.


Samantala, ang ginamit mo ‘yung isang canyon, pinaputukan mo ang mga hayop pati na rin ‘yung turkey, ay senyales na magkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ng dyowa mo. Maaaring matuloy ito sa matinding pag-aaway, at dahil dito posible rin kayong magkahiwalay. Ito rin ay tanda na makakatanggap ka ng magandang balita galing sa kaibigan mo na naglilingkod din gaya mo.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page