Kahulugan ng bundle of gift at kinagat ng bulldog
- BULGAR
- Nov 23, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 23, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni James ng Iloilo.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na naka-receive ako ng bundle of gift. Natuwa ako dahil kahit hindi pa Christmas may mga regalo na akong natanggap, maski ang alaga kong bulldog ay tuwang-tuwa rin. Kaya lang, bigla akong kinagat nito.
Ano’ng ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
James
Sa iyo, James,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naka-receive ka ng bundle of gift kahit hindi pa Pasko ay makakatanggap ka ng magandang balita mula sa best friend mo. Tatawagan ka niya r’yan sa cellphone mo. Ang nasabing balita ang magbibigay ng kagalakan sa iyo dahil tiyak na gaganda ang iyong buhay.
Samantala, maski ang bulldog mo ay tuwang-tuwa rin ay tanda na kung sino pa ‘yung kaibigan mo na akala mo ay hindi tapat sa iyo, siya pa pala itong pinaka-loyal sa iyo.
Handa ka niyang damayan. Ang kinagat ka ng bulldog ay nagpapahiwatig na may dahilan ka para pagdudahan ang nasabing kaibigan pero nagkakamali ka sa iniisip mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments