top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng binisita si Kris Aquino

BULGAR
Jul 20, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 20, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessica ng Romblon.


Dear Maestra,


Fan ako ni Kris Aquino at awang-awa ako sa nangyayari sa kanya ngayon.


Napanaginipan ko na dinalaw ko si Kris Aquino sa ospital na kinaroroonan niya, tapos natuwa siya sa pagdalaw ko. Sa kabila ng sitwasyon niya, binigyan niya ako ng advice para maging maganda at maayos ang buhay ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jessica



Sa iyo, Jessica,


Kapag ang isang fan kagaya mo ay napanaginipan ang paborito niyang artista, ang ibig sabihin ay mabibigo ka sa pinapangarap mong makamit dahil sa pagiging padalos-dalos mo sa iyong mga kilos. Huwag kang sugod nang sugod at maging maingat ka sa iyong mga kilos at gawa. Gayunman, ang ospital ay nangangahulugang uunlad at kikita ka nang malaki sa pagnenegosyo kung matututunan mong gamitin ang iyong isip at diskarte sa pamamalakad nito.


Samantala, ang sabi mo ay natuwa si Kris Aquino nang makita ka, at ito ay nangangahulugang makakatanggap ka ng hindi inaasahang mana mula sa mahal mo sa buhay na yumao na.


Tungkol naman sa binigyan ka ng advice ni Kris, ito ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng mga hadlang sa plano mo, pero tutulungan ka ng iyong mga kaibigan na nagmamalasakit sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page