top of page
Search
BULGAR

Kahulugan ng baka at nabanlian ng kumukulong sabaw

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 13, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Sonia ng Cebu.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bumili ako ng baka at agad ko itong pinakuluan pagdating sa bahay.


Makalipas ang 15 minuto, titingnan ko sana kung malambot na ito nang bigla akong

mabanlian ng kumukulong sabaw. Tinikman ko ito, ngunit ang sabaw nito ay mapait.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Sonia


Sa iyo, Sonia,


Ang bumili ka ng baka at pinakuluan mo agad, ito ay nagpapahiwatig ng kasaganahan at kapanatagan sa buhay. Pero, hindi naman ibig sabihin nito ay ‘yung mayamang-mayaman, katamtaman lang at hindi sobrang yaman ang magiging buhay mo.


Ang nabanlian ka ng kumukulong sabaw ay nangangahulugan ng tagumpay sa iyong mga pinaplano sa buhay. Kung masyado kang apektado sa iyong balat, ito ay senyales na malalampasan mo lahat ng pagsubok na darating sa buhay mo. Mapapasaiyo ang tagumpay at pagpapala sa darating na mga araw.


Samantala, ang pait ng sabaw, ito ay babala na mag-ingat ka sa pakikisalamuha sa mga taong ‘di mo kakilala. May banta ng gulo sa buhay mo, talasan mo ang iyong pakiramdam at maging alerto ka sa lahat ng oras upang ‘di ka mapahamak.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page