ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 29, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Roberto ng Masbate.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na may anino akong nakita sa loob ng kuwarto ko. Natakot ako dahil kamukha iyon ni Satanas.
Muntik na akong bangungutin, mabuti na lang ay nagising ako.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Roberto
Sa iyo, Roberto,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nakita kang anino sa loob ng kuwarto mo ay magkakaroon kayo ng ‘di pagkakaunawaan ng bestfriend mo, hanggang sa mauwi ito sa away. Ito rin ay nangangahulugan na mapipilitan kang mangutang ka sa lending app dahil sa kagipitan mo sa pera.
Samantala, ang natakot ka dahil kamukha iyon ni Satanas ay babala na masasangkot ka sa kaguluhan, dahil sa iyong bisyo at hindi magandang pag-uugali. Matuto kang magtimpi at ilagay sa tama ang iyong mga kilos upang ‘di ka mapahamak.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comentarios