top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahulugan ng ampalaya at pinagalitan ni inay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 30, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Geraldine ng Malabon.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ko sa taniman namin ng gulay, pumitas ako ng ampalaya na agad kong niluto upang maiulam namin. Hindi nasarapan ang nanay ko dahil napakapait ng naluto ko, pinagalitan niya ako at sinisi dahil hindi umano ako marunong magluto.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Geraldine

Sa iyo, Geraldine,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa taniman n’yo, pumitas ka ng ampalaya, at agad mo itong niluto pero ‘di nasarapan ang nanay mo dahil mapait ito, ay may kaguluhang mangyayari sa bahay n’yo, at isa ka sa masasangkot sa naturang gulo. Maging mahinahon ka, at iwasan mong maging mapusok. Diplomasya ang kailangan upang maiwasan ang pagkakawatak-watak ng inyong pamilya.


Samantala, ang sinisi ka ng nanay mo dahil hindi ka marunong magluto, ay nagpapahiwatig na magwawagi ka sa iyong mga kaaway, matatalo mo sila at kusa silang lalayo sa iyo.


Sa dakong huli, makikita mismo ng dalawang mata mo ang kanilang pagbagsak. Hindi sila magtatagumpay sa kanilang mga pinaplano sa kanilang buhay, dadanas sila ng matinding kabiguan.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page