Kahulugan ng airplane at may nakitang anghel
- BULGAR
- Oct 4, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 04, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joann ng Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na ang daming airplane, nakasakay umano ako, at ang taas na ng narating namin na halos nasa 7th heaven na, nang may makita akong mga anghel, at kinausap ako nu’ng isa.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Joann
Sa iyo, Joann,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang daming airplane sa paligid mo ay pagbabago ng iyong tahanan at kapaligiran. Lilipat ka na ng lugar na iyong tinitirahan.
Ang nakasakay ka sa airplane, at halos marating mo na ang 7th heaven, ay nagpapahiwatig na dapat maging maingat ka sa mga pinaplano mong gawin. Huwag kang sugod nang sugod, at mag-isip ka muna bago ka magpasya.
Samantala, ang may nakita kang mga anghel sa langit ay nangangahulugang maliligtas ka sa anumang panganib at kapahamakan. Hindi ka rin makakaranas ng kaguluhan sa iyong buhay.
Magiging masaya at panatag ka sa piling ng iyong mga mahal sa buhay.
Ang kinausap ka ng isa sa mga anghel, ay tanda na dapat mong sundin ang sinabi niya sa iyo, dahil may posibilidad na magkatotoo ito.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments