top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng 3 beses pinanood ang Maid in Malacañang

BULGAR
Oct 4, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 4, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donato ng Lucban, Quezon.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo.


Gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko na nanood ako ng sine, tapos nagustuhan ko ‘yung pelikula na “Maid in Malacañang” at halos ayaw kong umalis kahit tapos na ito. Inulit-ulit ko ang panonood nang tatlong beses.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Donato


Sa iyo, Donato,


Ang panaginip mo na nanood ka ng sine at nagustuhan mo ang pelikula ay nagpapahiwatig ng kaligayahan. Magiging masaya ka na sa darating na mga araw at matatapos na ang mga kalungkutan mo.


Samantala, ‘yung inulit-ulit mo ang pelikula at halos ayaw mo nang umalis ay nangangahulugan na malapit ka nang ikasal sa iyong karelasyon. Gayundin, liligaya ka sa piling niya at magsasama kayo habambuhay sa piling ng inyong magiging anak.


Ang tatlong beses mong inulit ang pelikula ay nangangahulugan ng tagumpay at kasaganaan na may halong sakripisyo, kung saan sa dakong huli ay napakayaman mo at nagmamay-ari ka na ng malalaking building.


Ang bilang na tatlo ay nagpapahiwatig din na may ugali ka na ayaw mong inuutusan o dinidiktahan ka, pero diktador ka rin naman.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page