ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Sep. 21, 2024
Dear Maestro,
May asawa akong babaero. Sa katunayan, tatlong beses ko na siyang nahuhuli kasama ang kanyang kerida. Kinompronta ko siya nu’ng nahuli ko siya sa pangalawang pagkakataon, umamin at nangako siya na hindi na muli niya iyon uulitin. Pero wala pang dalawang buwan ang nakalipas, nahuli ko na naman sila ng babae niya.
Sa ngayon, balak ko na siyang hiwalayan. Kung makikipaghiwalay ako sa kanya, may ikalawang pag-aasawa pa kayang mangyayari sa aking kapalaran? Kung oo ang sagot, sa ikalawang pag-asawa ba ako mas magiging maligaya?
Ang birthday ko ay April 29, 1987.
Umaasa,
Florabelle ng Malanday, Valenzuela City
Dear Florabelle,
Kung ang mister mo ay hindi naman isinilang sa zodiac sign na Virgo, Capricorn, Scorpio at Taurus, tama ka maaari nga kayong magkahiwalay, dahil hindi mo siya katugma o ka-compatible.
Subalit kung Virgo, Capricorn, Scorpio at Taurus ang kanyang zodiac sign, kahit sabihin pang babaero siya, tiyak ang magaganap – hinding-hindi kayo magkakahiwalay kailanman.Gayunman, kung sakaling mag-aasawa kang muli, isaalang-alang mo ang nasabing mga zodiac sign sa itaas, upang sa habambuhay ka nang lumigaya, higit lalo kung ang birth date ng lalaking mapapangasawa mo ay 5, 14, 23, 7, 16, at 25 – sa piling ng nasabing mga lalaki, tulad ng nasabi na, may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay ng pagpapamilya.
Habang ang iyong Love Calendar, kahit na nambabae at paulit-ulit ka pang lokohin ng iyong asawa, as long as tugma at compatible kayo sa Astrology at Numerology, na sinabayan pa ng nag-iisa mong malinaw, makapal at magandang Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad, na pang-araw-araw nating tinatalakay sa ating mga artikulo tungkol sa guhit ng palad, tiyak ang magaganap – mananatiling buo ang inyong pamilya, upang minsan pa, kahit pa na gumagawa ng kalokohan ang iyong asawa, hindi pa rin mahahadlangan ang nakatakda, dahil sa bandang huli, habambuhay pa rin kayong magsasama.
Comments