top of page

Kahit na ‘di mo siya kadugo o kaanak... Paano pagpapasensiyahan ang isang nagkaedad na special child

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 11, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 11, 2020




Bata at bata pa rin ang isip niya kahit na sabihing nagkakaedad na siya. Kahit di puwedeng gawin, pinipilit niyang gawin. Kahit na di puwedeng makialam, nakikialam, kahit sinasaway mo na matigas pa rin ang ulo. At kapag nagtatampo, lumalayas. At kahit mali ay pinipilit niyang tama. Kahit na kailangan niyang rumespeto ay ‘di nagagawang gumalang. Nagwawala, hindi lang maibigay ang gusto, nagagalit nang walang dahilan, nagsisinungaling at higit sa lahat talagang pasaway!

Ilan lang ‘yan sa maeengkuwentro mong ugali ng isang special child lalo na kung tumatanda na ito. Heto ang tips kung paano mo hahabaan ang iyong pasensiya kapag ganyan siya.

  1. Huminga ng malalim at maghintay ng 30 segundo bago ka mag-react sa sobrang pasaway niyang ugali. Manatiling kampante kung maaari at kontrolin ang iyong negatibong emosyon at galit. Kapag ‘di nagagalit sa nakalulungkot na paraan, magandang ehemplo ka dahil hindi nahahamon ang kanyang abnormalidad.

  2. Bigyan mo siya ng bagay na mapagkakaabalahan niya. Napakainam na ma-enjoy niya ang mga bagay na kanyang paborito sa mas mahabang oras at magkaroon siya ng interes sa isang game o laro.

  3. Lagi mo siyang bibigyan ng atensiyon, lalo na kapag may ipinakikita siyang bagong laruan.

  4. Dalhin siya sa tahimik na lugar lalo na kung naiinis siya at madaling magwala kapag naiingayan. Isang tahimik na silid o lugar siya dapat laging naroon. O kaya naman kahit salita siya nang salita at walang sasagot at lahat ng tao o kapamilya sa paligid niya ay tahimik lamang, tiyak na tatahimik na rin siya.

  5. Kausapin siya nang diretso ang tingin sa mga mata para makuha ang atensiyon ng bata habang sinasabi ang problema, ayon sa Ohio State University. Kung maaari hintayin na kumalma siya, para maging handa siyang makinig kapag nagsasalita ka. Sabihin kung ano ang hindi at tamang ugali at ipaliwanag ang mainam na paraan na magagawa niya nang hindi magwawala o anumang negatibong ugali niyang ipinakikita. Sabihin sa kanya kung ano ang kahihinatnan ng kanyang ginagawa. Huwag siyang sisigawan o magsasalita nang pang-aakusa ang tono sa kanya.

  6. Dalhin na siya sa doktor kapag sumosobra na siya at hirap na kayong suhetuhin siya sa kabila ng inyong pagsisikap na baguhin siya.

Ang sintomas umano ng attention-deficit hyperactivity disorder (ADHD) ay ang kawalang atensiyon, hyperactivity at impulsive behavior. Kaya naman ito ang mga ugali ng isang bata na napakahirap na pakibagayan. Mabibigyan siya ng tamang diagnosis ng doctor maging ang magulang para sa bagong lifestyle changes at mga gamot kung kinakailangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page