Kahit may edad na... mga dapat gawin para matuto sa computer
- BULGAR

- Jul 4, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 4, 2020

Kailangan sa panahon na ito ay matuto ang marami pagdating sa pagko-computer o paggamit ng laptop. Pero sino pa ba ang paiiwan kay ‘Lola Tetchie’ at gusto pang matuto ng pagpo-programa sa computer? Heto ang mga tips kahit lola o lolo na at kailangang makasabay ka sa iyong mga apo sa paggamit ng computer.
Challenging naman para sa iba na harapin ang desktop, lalo na at may edad na at papasok sa field ng programming. Hindi naman huli ang lahat para matutunan kung paano gumawa ng program o maging isang animo’y Information Technologist o IT.
1. Noon ay hindi tumatanggap ang mga kumpanya ng mga may edad nang empleyado at may pamilya dahil mas malaki ang gastos ng mga ito kumpara sa mga single kaya umaasa rin ng mataas na suweldo. Pero hindi na ngayon, hindi lahat ng kumpanya ay ganyan ang standard. Mas madalas nais nila ng eksperiyensado, madaling turuan at nakatutulong sa pag-angat ng produksiyon dahil sa marami nang kaalaman.
2. Humingi ng tulong sa iba pang programmers o IT na kasama sa trabaho para malaman kung ano ang mga inaasahan sa gagawin maging sa patakaran ng kumpanya na pinapasukan. Kailangan ding alamin kung ‘yan nga ang angkop na trabaho at tamang paligid para sa ‘yo.
3. Maaari kang mag-enroll online ng simple programming language course at tingnan kung gaano ka kahusay dito. Kailangan ito para may karagdagan kang kaalaman.
4. Puwede ka nang humanap ng programming jobs online o kaya may mga trabahong click online lalo na kung skilled ka na sa mga programming at iba pang technical aspect ng online business.
5. Kung talagang alam mong sa computer nakalaan ang iyong career, ‘yan na rin ang magandang simula. Dahil hilig mo at mahal mo ang larangang ito, mas mapabibilis ang pagkatuto mo bilang programmer. Magagawa mo nang makapagsulat ng instructions (software) at maaatasan ang computer kung ano ang gagawin.
6. Mag-take ng career personality test. May mga website na nag-aalok ng test nang libre. May ilang tao na iniisip nilang tama sila sa espesipikong career kapag nagtagumpay sila sa naturang larangan. Ang maagang paghahanda ay laging may magandang resulta sa huli.
7. Mahusay ang mathematical skills. Para magkaroon ng career sa computer programming, kailangan ng mahusay na pag-aanalisa. Kapag mahusay ka sa logical at lateral thinking ay mahalagang karakter ito ng isang computer tetchie. Ang logical person ay agad nakikita ang problema may malinaw kang larawan at unawa sa programa na iyong lilikhain bago mabuo ang aktuwal. Dapat may abilidad ka sa troubleshooting habang tumatakbo ang program.
8. Alamin ang mahalagang kalidad ng computer tetchie at tsekin kung mahusay ka na sa sistema. Kabilang na rito ang disenyo at analysis, skills, tiyaga, ang abilidad na magtrabaho nang matagal kahit na paulit-ulit ang gawain, may spirit of teamwork, atensiyon sa detalye at abilidad na maabot ang deadlines, abilidad na tiwala sa sariling panghuhusga at abilidad na gumawa ng desisyon. Kung taglay mo ang skills na ito ay pasok ka na sa criteria at ang career ng computer ay para sa ‘yo.








Comments