top of page

Kahit Katoliko… KRIS, PABOR SA DIVORCE AT SAME SEX MARRIAGE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 3, 2020
  • 4 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 2, 2020




Walang magaganap na presscon/mediacon para sa programang Love Life with Kris sa TV5 na mapapanood na sa Hulyo 15, 5-6 PM dahil nag-iingat ang producer ni Kris Aquino na Positive Exposure Productions dahil sa banta ng Covid-19 pandemic, gayon din ang kampo ng TV host.


Humingi ng mga katanungan ang producer ng show sa ilang miyembro ng media para sagutin ni Kris sa pamamagitan ng video na ipo-post soon sa YouTube.


Eto ang mga tanong kay Kris…


Q: Is your life simpler now? How do you know who to trust and love?


Kris, “You know, simplicity is very relative. So, I may say I feel I’m so simple, tapos, the rest of you, pagtatawanan n'yo ko?


“Pero the one thing I truly miss, ‘yung pandesal sa probinsiya! Sarap talaga! Kasi, freshly baked every day. Tapos, iba siya! Ang sarappp! Tapos, ‘yung simoy ng hangin.


“Tapos, gustung-gusto ko talaga na ano, ‘yung gusto ko talaga tumira near a lake. And ‘yun nga, sabi ko, para naman productive citizen ako, meron akong fish pond or something or my dream actually, it’s always been a dream, and it can come true, is to own a beach resort!


“Oo, ‘yun! Krissy’s Resort! Ha ha ha! Naloka sila. Bakit? ‘Di ba, kayo rin naman, gugustuhin n'yo na ako ‘yung nagwe-welcome sa inyo? At once a week, may cooking session doon na ako ang nagtuturo.”


Q: Sinong tao o personalidad ang gusto mong maging kahit sa loob ng isang araw? Bakit? At ano ang gagawin mo?


Kris: “I’m sorry, Catholic Church, please don’t get mad at me. For one day, I want to be President on the day na ira-ratify na magkakaroon ng divorce sa Philippines, para pirmahan.


“My reason is simple, because you wouldn’t be annulled in the church. Your church marriage, it’s a different process, but I believe that going through an annulment is a very difficult process, and it’s expensive


“I believe that women and men should have equal rights about this. I apologize sa mga LGBT, kasi, alam kong malayung-malayo pa ang kailangan nating lakbayin bago magkaroon ng same-sex marriage. Pero ang divorce, sa sagot kong ‘yan, ha, alam n'yo na!


“Pero, ayoko nang pagdaanan ever again o ng kahit na sino man, ‘yung proseso ng pagpapa-annul. Kasi, puwede naman talaga ang divorce. And separation naman talaga ‘yan, eh, of church and state.”


Q: Kung mabibigyan ka ng chance na makausap ang mommy mo na si dating Pangulong Cory Aquino, ano ang sasabihin mo sa kanya? Gayundin sa iyong amang si Sen. Ninoy Aquino?


Kris: “To my dad, thank you for believing that the dream could be possible. Kasi, siya talaga ‘yung naniwala that their baby could become who she is.


“And to my mom, I’m doing this for you. Because kung merong tao talaga who matters to me, na maging proud sa akin, it’s you!”


Q: Ano ang pinakamaipagmamalaki mong nagawa mo sa buhay mo? Ano naman ang isang bagay na ginawa mo o sinabi mo na pinagsisihan mo?


Kris: “Ang pinaka-proud ako is that, hindi ako umasa lang. Puwede kong sabihin talaga na, I sent myself through school. Ang buong college education ko, ako’ng nagbayad nu'n. Yes!


“Kasi, I wanted to prove to my mom na nu’ng pinayagan niya ako, hindi na niya ako kailangang bigyan ng allowance. At hindi niya ako kailangan na I could be a working student.


“My biggest regret was that I worked on Saturday nights, and I could have actually said no to those days, and join my mom para magsimba kami.


“So, doon ako nagsisisi. Kasi, sana, naibigay ko ‘yun, kahit ‘yun lang, sana, naibigay ko ‘yun sa kanya.


“Sa mga sinabi ko. Impulsive ako, eh. So, ngayon ako natuto na there are things that are better left unsaid. And now, I’m learning.”



Natanong din si Kris kung sino ang role model niya kina Manila Mayor Isko Moreno, Pasig City Mayor Vico Sotto, Ormoc City Mayor Richard Gomez, Congresswoman Vilma Santos, Senator Kiko Pangilinan at VP Leni Robredo kung sakaling handa na niyang pasukin ang pulitika.


Kris: “If there’s one thing that I’ve learned, nanggaling ito sa dad ko, huwag mong ibunyag ang mga plano mo dahil paghahandaan ka nila!


“So, kung role model, bakit ako lalayo pa? Doon na ako sa mga magulang ko! Pero, I don’t think 2022 is my time.”


Q: Honestly, na-imagine mo ba, Kris, na makakagawa ka ulit ng talk show at makakabalik ka sa TV pagkatapos ng mga nangyari?


Kris: “Yes. Because my ate told me. She envisioned the day that I would be back, and that I could share my story of everything that I went through, so that people would know: Walang imposible! Kaya basta huwag kang susuko!”


Samantala, sa panahon ng lockdown at maraming nawalan ng pagkakakitaan ang mga Pinoy ay hindi hinayaan ni Kris na mag-suffer ang mga tauhan niya.


Q: Please share naman ‘yung mga realizations mo sa life sa gitna ng hinaharap nating pandemic? Mas naging wise spender ka ba now at lalo pang naging prayerful?


Kris: “Hindi ko itinigil ang suweldo ng mga tauhan ko kahit na wala kami sa bahay.

Sinigurado ko na kung nasaan kami, sa abot ng makakaya ko, dahil bigas ang kailangan nila, ilang beses akong tumulong doon.


“Alam ko, marami ang nagsasabi, ‘Bakit mo ikinukuwento?’ Ikinukuwento ko dahil tayong mga may kakayahan, dapat tumulong tayo.


“Na-realize ko rin na the best gift na kaya kong ibigay doon sa mga nag-stay loyal sa akin, dagdagan ko o i-top up pa ang health insurance nila. You take care of the ones who take care of you.


“And now, I also realize that I have to give the gift of education to the next generation, because that’s the only way we will recover.


“Kung naging mas simple ako, oo naman. Kasi, may dalawang anak ako. Alam ng lahat, hindi ko itinago. Immuno-compromised ako.


“Alam ng lahat na solo akong nagpalaki sa kanila, lalo na sa aspetong pinansiyal. So, I have to be responsible.


“And nu’ng umuwi ako, nahiya ako. Nahiya ako na ganu’ng kadaming damit na meron pang mga tags, ganu’n karaming shoes na hindi pa nasusuot. Kaya, awat muna, hindi kailangan!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page