Kahit hakot-awards pa… WINWYN, FIRST RUNNER-UP LANG SA MISS UNIVERSE-PHILS. 2025
- BULGAR

- May 5
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 5, 2025
Photo: Claudine Barretto - IG
First runner-up finish ang inabot ni Winwyn Marquez sa katatapos na Miss Universe-Philippines 2025.
Hindi man niya nakuha ang pinakamimithing korona na magbibigay sa kanya ng karapatan to represent the country sa Miss Universe 2025 sa Thailand this year, hindi naman niya binigo ang kanyang mga supporters.
Naging hakot queen nga si Winwyn matapos niyang makuha ang halos lahat ng minor awards nu’ng prelims. At nu’ng finals naman ay super-kabogera pa rin ang kanyang aura at talino.
Sadya lang talagang hindi pa ready ang bansa na magpadala ng candidate na may asawa’t anak.
Si Ahtisa Manalo na tatlong beses nang nagtangka sa korona ang nanalo kahit may mga bashers na nagsasabing mas tinalbugan siya ng Siniloan, Laguna, Cebu City at Sultan Kudarat candidates, na may mga minor international pageants ding sasalihan.
May mga naysayers pang nagkomento na sure na raw na luhaan na naman tayo sa Miss Universe 2025 dahil kung ang mga minor international titles nga raw ay hindi magawang mapanalunan ni Ahtisa, how much more pa raw ang Miss Universe?
For the record, naging first runner-up sa Miss International 2018 at naging top 10 nga lang sa Miss Cosmopolitan 2024 si Ahtisa.
May mga bashers din namang nagsasabi na tila nawalan din daw ng saysay ang pagiging Reina Hispano-Americana 2017 ni Winwyn lalo’t tinawag nga siyang “Latina-slayer” dahil kinabog niya ang mga ito sa naturang title noong 2017.
Well, ganyan talaga ang buhay ng mga beauty queens. Ang importante, nagagawa pa rin nilang maging matatag at palaban sa anumang laban.
Huge kudos sa inyo!
TAONG 1986 pa namin nakilala at nakasama sa Actors’ Workshop Foundation thru DKB PopCom project si Direk Ricky Davao.
Ang natatandaan naming kasama niya noon ay sina Direk Gina Alajar, Leo Martinez at iba pang members-volunteers ng AWF.
Kami naman ay sa hanay ng DKB PopCom bilang naging federation president nga kami noon sa Bicol ng Kabataang Barangay ni Sen. Imee Marcos.
Kaya nang maging parte na kami ng showbiz, mas nakilala at naging kaibigan namin ang mahusay na aktor-direktor.
In 2008, ilang araw din namin siyang nakasama sa Bohol shooting with Direk Cesar (Buboy) Montano, Angel Aquino at Mercedes Cabral with our dear friend amiga Dolly Anne Carvajal.
Tapos ‘pag may birthday party din kami, lagi niya kaming pinauunlakan na maging "singer-entertainer" (totoo ‘yung running joke na huwag siya dapat paghawakin ng microphone dahil mahihirapan ka nang sumingit kumanta, hahaha!) at signature song nga niya ‘yung La Vie en Rose.
Sa dose-dosenang beses na namin siyang napuntahan sa mga set visit, movie premiere at shoots at iba pang okasyon, ‘yung pagiging makuwento, pakyut moment, at paghula sa blind items namin ang regular naming bonding spree.
Mga twice or thrice na rin niya kaming niregaluhan ng ‘cap’ o sumbrero at most special sa amin ‘yung Lacoste black cap.
Ang pinakahuling beses nga namin siyang nakasama (ironically with Direk Gina Alajar) at nakahuntahan ay nu’ng guesting nila sa Marites University podcast at film screening sa Net25 ng Monday First Screening nu’ng 2023.
And our last exchange of messages was in May-June 2024 nu’ng hiningan namin siya ng video endorsement for Ate Vi’s (Vilma Santos) bid for National Artist, bilang nagkasama sila sa ilang mahahalagang movie projects in the late ‘90s at naging magkaibigan din.
Pero hindi na nga niya naipadala sa amin dahil marahil ay may iniinda na siyang karamdaman noon.
Hay, napakabata pa ni Direk Ricky at 63. Pero life is life, ‘ika nga. Kakambal lagi nito ang kamatayan na doon naman talaga tayo papuntang lahat.
Rest in peace, Direk. Ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa mga naulilang pamilya, kaibigan, katrabaho at mga mahal niya sa buhay.
Indeed, isa na namang acting great at mabuting kaibigan ang nawala sa atin.
HAHARAP ngayong araw, Lunes, May 5, sa showbiz media ang mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.
Naging tradisyon na nga ng Regal Entertainment family ang magbigay ng salu-salo sa mga napupusuan nilang mga kandidato kasama ang mga friends in showbiz media, isang legacy ng yumaong si Mother Lily Monteverde na ngayo’y itinutuloy ng mag-inang Roselle at Atty. Keith.
Naku, nakaka-excite na chikahan ito lalo’t bongga ang naging pagpayat ni Mega Shawie na for sure ay ise-share niya.
But of course, more than that ay nasisiguro nating marinig ang plataporma ni Kiko na sobrang identified na sa mga magsasaka at mangingisda.
Sa napaka-cute nilang political ad na “kapag may Sharon, may Kiko,” tiyak na mas marami pa tayong maririnig na parehong may intriga at katotohanang mga isyu.
Ine-expect na rin nating kantahan tayo ni Shawie to prove to us na hindi naapektuhan ang kanyang boses sa nangyaring pagpayat niya, kahit pa nga sagad-sagaran din ang pagsama niyang pag-iikot from Luzon to Mindanao para humingi ng boto sa mga tao.










Comments