ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 13, 2024
KATANUNGAN
Ang una kong isasangguni sa inyo ay tungkol sa aking love life. Maestro, sa edad kong 42, makakapag-asawa pa kaya ako kahit na mahiyain at ‘di ako marunong manligaw?
Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa public office, mapo-promote at aasenso kaya ako sa aking trabaho?
Balak ko na kasing mag-resign kapag naka-graduate na ang bunso kong kapatid na kasalukuyan kong pinag-aaral. Kapag nag-resign ako, balak ko na lang sanang mag-apply sa ibang bansa. Kaya naman, gusto ko ring malaman kung may Travel Line ba sa aking palad, at posible kaya akong umasenso sa abroad?
KASAGUTAN
Lahat ng pangarap mo na may kaugnayan sa career ay paniguradong matutupad, ito ang nais sabihin ng tuluy-tuloy, at matayog mong (F-F arrow a.) na hindi nalatid at nakarating sa Bundok ng Tagumpay (Drawing A. at B. F-F arrow b.) na Fate Line na tinatawag din nating Career Line sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na anuman ang isipin o planuhin mo sa iyong career, halimbawang hindi ka umalis sa kasalukuyan mong trabaho, tiyak na mapo-promote, at magiging department head ka.
Kung mangingibang-bansa ka naman gamit ang natapos mong kurso, ang malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad ang gumarantiya na makakapag-abroad ka sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran.
Ibig sabihin, maganda at pinagpala ang buhay mo sa larangan ng career at propesyon. Ngunit, pumangit at nagbuhul-buhol ang Heart Line mo (Drawing A. at B. h-h arrow d.) na kinumpirma pa ng Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow e.) na tila may tinitingnan sa itaas ng langit (arrow e.) na tendency ng mga kasawian sa pag-ibig, pag-iisa sa buhay at sa bandang huli ay pagtandang binata.
Comentários