top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kagawad sa Maynila, pinagbabaril sa barangay city hall

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | July 3, 2020




Isang kagawad sa Sampaloc, Maynila ang pinagbabaril noong Huwebes sa loob mismo ng barangay hall ng Barangay 484.


10:30 ng gabi nang magpulong ang limang opisyal ng barangay kasama ang biktimang si

Antonio Calma, Jr. nang mangyari ang pamamaril. Ayon kay Josie Cruz na isa ring kagawad, sinipa ng mga suspek ang nakasarang pinto atsaka nagpaputok ng sunod-sunod.


Bumalik pa umano ang suspek at muling pinaputukan ng apat na beses ang biktima. Hindi bababa sa dalawang suspek ang bumaril sa biktima ayon kay Simaba PCP commander Police Cpt. Kristo John Ramirez.


Dalawang klase ng baril ang ginamit ng suspek dahil sa nakuhang basyo ng kalibre .45 at

9mm.


Sa ngayon ay wala pang nakukuhang testigo dahil wala pang may gustong magsalita mula sa barangay. Samantala, titingnan din ang CCTV sa barangay na maaaring makatulong sa pagkilala sa suspek.


Pinalitan ni Calma sa puwesto si Guia Gomez Castro sa pagiging barangay chairman na

kinilala rin ng pulisya bilang drug queen noong isang taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page