top of page

Kabuhayan showcase raw… ALFRED, NAMIGAY NG WALA PANG P100 NA JUNK FOOD, NILAIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Feb. 11, 2025



Gringo Honasan - FB

Photo File: Alfred Vargas - FB


Imbes na umani ng papuri si Konsehal Alfred Vargas na tatakbo uling konsehal sa 5th District ng Quezon City this coming election ay nilait pa siya ng ilang netizens dahil sa pagbibigay niya ng “kabuhayan showcase” na puro junk food naman daw.


Reklamo ng mga residente sa kanyang distrito, paano raw matatawag na “kabuhayan showcase” ang de-ribbon pang tray, eh, kung susumahin ay wala pang P100 ang kabuuang halaga ng laman nu’n?


Kelan pa raw nakabuhay ang junk food?


Hinahanap tuloy ng mga District 5 residents ang dapat sana’y totoong kabuhayan showcase na para sa kanila.


Naku, ang dami namang reklamador na mga botante sa ngayon. Kaya ang tanong tuloy ng ilang tribo ni Mosang ay.... “What’s wrong with junk food? At least food pa rin,” na may punto rin naman, in pernes.


‘Yung iba nga, sa basura na kumukuha ng pagkain, eh. Kaya “wana morena” complain, okidoki?


Bukas naman ang BULGAR sa panig ni Konsi Alfred Vargas.



MAGPAPASIKAT ang It’s Showtime (IS) host na si Anne Curtis sa Blockbuster Sundays ng Cinema One na mapapanood tuwing Linggo, 7 PM ngayong Pebrero.


Nagsimula na last Sunday (Feb. 9) sa No Other Woman (NOW), samahan din si Anne bilang ang competitive na kapatid na si Morissette sa The Mall, The Merrier (TMTM) sa Feb. 16, at party girl na si Mitch sa When Love Begins (WLB) sa Feb. 23.


Magbalik-tanaw din kasama ang inyong favorite love teams sa Romance Central na ipapalabas tuwing Linggo, 5 PM. Nasaksihan na ang Just The Way You Are (JTWYA) nina Liza Soberano at Enrique Gil last Sunday (Feb. 9), watch n’yo rin ang He’s Into Her: The Moviecut Part 1 (HIH) nina Donny Pangilinan at Belle Mariano (Feb. 16), at Vince & Kath & James (VK&J) nina Joshua Garcia at Julia Barretto (Feb. 23).


Handog din ng Cinema One ang espesyal na Valentine’s movie marathon tampok ang ilang box-office tandems na nagpakilig sa mga manonood. Huwag palampasin ang


Starting Over Again (SOA) nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, The Hows of Us (THOU) nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang digitally restored at remastered version ng Labs Kita…Okey Lang? (LKOL) nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, A Very Special Love (AVSL) nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, at marami pang iba ngayong Peb. 14 (Biyernes).


Samantala, makakakuwentuhan ni Bianca Gonzalez sina Ian Veneracion at John Prats sa bagong episodes ng The B Side (TBS) ngayong Peb. 14 at 28. Ipapalabas din ang replays nito sa cable tuwing Sabado, 6 PM, Linggo, 9 PM, at Lunes, 10 AM.



PARANG celebrity ding pinagkaguluhan si Sen. Bong Go nang um-appear sa game show ni Willie Revillame na Wil to Win nu’ng Huwebes, Feb. 7, para maging guest host ng TV host.


Parehong tatakbong senador sa upcoming elections ang dalawa na pareho ring malapit sa mga tao kaya dinudumog sila ng mga gustong magpa-selfie.


Marami ang natuwa sa guesting ni Sen. Bong Go sa WTW dahil nakita nila ang ibang side ng senador na may sense of humor din daw pala at kayang magpasaya-magpatawa ng audience.


Natuwa rin si Kuya Wil sa guesting ni Sen. Bong at tinawag ang tambalan nilang dalawa bilang “Wil To Go”.


Well, pareho namang pasok sa latest survey ng mga senatoriables sina Kuya Wil at Sen. Bong Go, kaya kung pareho silang papalarin sa Senado, baka ru’n sila sumigaw ng “Go! Go! Goooo!” with matching “Bigyan ng jacket ‘yan!” 


Boom! ‘Yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page