Kabataan, ‘wag gawing biro ang bomb threat
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Info @Editorial | November 23, 2025

Isang 16-anyos na estudyante ang umamin na siya ang nagpakalat ng bomb threat sa kanyang paaralan. Ang idinahilan ng menor-de-edad sa mga pulis ay bored lang siya.
Nakapanlulumo ang mga kabataan na ginagawa itong trip o biro, paraan ng pagpapasikat, o pagtakas sa exam. Anumang dahilan, malinaw na hindi ito nakakatuwa. Una, ang pagpapakalat ng bomb threat ay krimen. Hindi ito simpleng kalokohan; may kaakibat itong mabigat na parusa sa batas.
Kaya’t ang sinumang nagkakalat nito, estudyante man o hindi, ay maaaring harapin ang seryosong kaso, dapat lang na tuluyan.
Hindi maaaring gamiting palusot ang “joke lang” kung ang resulta ay takot, pagkagambala, at pagkakagastos ng pamahalaan at paaralan.Ikalawa, ang ganitong aksyon ay pumipinsala sa komunidad. Kapag may bomb threat, nagsasagawa ng evacuations, kanselasyon ng klase, pagpasok ng pulis at bomb squad — lahat ito ay nagdudulot ng kaba, pagkaantala ng pag-aaral, at pag-aaksaya ng oras at pera.
Isipin ang guro, magulang, at kapwa estudyante na nababalot ng nerbiyos dahil lamang sa iresponsableng gawa.Ikatlo, bilang kabataan na itinuturing na pag-asa ng bayan, dapat ay tularan sa pagiging responsable, hindi ang paglikha ng kaguluhan.
Sa panahon ngayon, mas lalong kailangan ang pag-iingat sa salita at gawa.





Comments