Kabataan, protektahan laban sa salot na droga
- BULGAR

- 15 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | February 5, 2026

Iniimbestagahan ng Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpupuslit ng mga “marijuana candy” sa bansa.
Nasabat ang marijuana-infused candies, cannabis vape cartridges, at tuyong dahon ng marijuana sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City, na nakalagay sa parcels na idineklarang mga kendi.
Ang ilegal na droga ay malinaw na salot ng lipunan. Sinisira nito ang buhay ng gumagamit, winawasak ang pamilya, at nagdudulot ng krimen sa komunidad. Hindi ito kumplikadong isyu—kapag pinalaganap ang droga, siguradong may masisirang kinabukasan.
Pinakaapektado ang kabataan. Dahil sa kahirapan, kakulangan ng gabay, at impluwensiya ng maling kaibigan, maraming kabataan ang nahuhulog sa masamang bisyo. Kapag nalulong, humihinto sa pag-aaral, nawawalan ng direksyon, at nagiging pabigat hindi lang sa pamilya kundi sa lipunan.
May pagkukulang din ang pamahalaan. Hindi sapat ang kampanya kung salita lang. Kailangan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa mga nagtutulak ng droga, kasabay ng maayos at tunay na rehabilitasyon para sa mga nalulong.
Responsibilidad din ng magulang at komunidad na kumilos. Hindi sapat ang manahimik at umasa sa gobyerno. Kailangang bantayan ang kabataan, kausapin sila, at bigyan ng tamang direksyon.
Ang ilegal na droga ay hindi dapat balewalain. Kailangan itong pigilan.






Comments