JULIA, PALIT KAY LIZA BILANG ENDORSER
- BULGAR

- Feb 26
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 26, 2025
Si Julia Barretto ang bagong ambassador o endorser ng isang digital banking app. Siya ang sumunod kay Liza Soberano na endorser nito last year.
Walang isyu rito, nagtapos na siguro ang kontrata ni Liza na hanggang one year lang at kinailangang maghanap ng bagong endorser ng Maya.
Ipinost ni Julia sa kanyang Instagram (IG) page ang TVC at may nababasa kaming comment na magsu-switch na sila sa banking app dahil sa aktres.
Kasabay ng mga nagko-congratulate sa aktres sa bago niyang endorsement at pagpapalit ng e-wallet service, marami-rami rin ang nagsabing sa Maya na rin sila at ibig sabihin nito, effective endorser si Julia.
Sunud-sunod din ang endorsement ni Julia, lumabas na rin ang casino game app TVC nila ni Alden Richards na mala-music video o short series ang concept, kaya kinagiliwan ng mga fans nila ng aktor.
Anyway, muling nagkita sina Julia at Alden sa birthday bash ng Belo sa mga ambassadors nila na January at February born. Ang request ng mga fans, bigyan sila ng movie project dahil sayang daw ang chemistry ng dalawa.
BABY girl ang second child ni Mark Herras at ng wife nitong si Nicole Kim Donesa at sa June na ito isisilang. Ipinaalam ni Nicole ang gender ng baby via Instagram (IG) post at magkakasama sila nina Mark at eldest nilang si Corky sa photo na kasama sa caption.
“Our little princess is on her way to take her reign this coming June,” sabi ni Nicole.
Nabasa namin ang pangalan ni Ynna Asistio na isa sa mga nag-like ng kanyang post.
Dahil limited ang puwedeng mag-comment sa post, walang nakalusot na basher.
Speaking of Mark, nakatulong sa kanyang career ang dalang “ingay” ng pagsasayaw niya sa gay bar at pagkaka-link kay Jojo Mendrez dahil sunud-sunod ang interview sa kanya.
Ang good news pa, may bago siyang pelikula dahil kasama siya sa cast ng Tag-ulan.
Sa interbyu ni MJ Marfori ng Frontline ng TV5, inulit ni Mark ang mga unang sinabi na pamilyado siyang tao, may sinusuportahan at kailangan niyang magtrabaho. Dumating na nga ang project na hinihintay ni Mark.
Masaya nga itong nagsabi na “Sa mga taong nagpalaki ng isyu, thank you at marami akong trabaho. Matagal na ako sa showbiz, 21 years na ako rito, sanay na ako, ‘di ko binabasa at ‘di ko na lang pinapansin,” ayon pa kay Mark.
Ang asawang si Nicole raw ang naapektuhan, kaya sinasabihan niyang ‘wag pansinin ang mga lumalabas na balita.
Ang importante nga naman, may trabaho si Mark, malapit nang matapos ang ipinapatayo nilang bahay at may darating na baby girl na dagdag sa kanilang pamilya.
‘Di totoong break na…
MIGUEL AT YSABEL, MAGKASAMA SA CONCERT
MAGKASAMA pa lang na nanood ng concert ng The Script (TS) sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, heto at may tsikang break na ang dalawa. Hindi na kinailangan ng dalawa na magsalita o linawin ang balita dahil ang malalapit na nilang mga fans ang nagsabing hindi totoo ang breakup issue kina Miguel at Ysabel.
Nagkataon lang daw na may kani-kanyang project ang dalawa, kaya hindi masyadong nakikitang magkasama. Pero, solid pa rin ang kanilang relasyon at hindi naman yata papayag ang isa sa mga bida ng Mga Batang Riles (MBR) na mag-break sila ng aktres.
Naalala tuloy namin nang ma-feature sa 24 Oras ang mom ni Miguel na si Mommy Grace at nagkataon na si Ysabel ang nasa Chika Minute, binati nito nang nakangiti ang mom ng boyfriend. Kaya ang pakiusap ng YsaGuel fans, ‘wag intrigahin ang dalawa at hayaan sa kanilang relasyon.
Si Miguel pala ay masayang-masaya ngayon dahil sa feedback ng mga viewers sa MBR. Marami ang nagkakagusto sa action series at patunay nito ang 353 million total online views in all platforms. Hindi akalain ng mga viewers na magagawa ni Miguel ang action stunts na kanyang ginagawa.
Nabanggit nito na isa sa mga training niya ay gymnastics para raw sa mga action scenes na kanyang ginagawa at gagawin pa.
Sa isa nga niyang training, nakasabay niya sa gym si Carlos Yulo na binigyan si Miguel ng score na perfect 10.












Comments