top of page
Search
  • BULGAR

Julia, nagsampa ng reklamo sa NBI laban kay Jay Sonza

ni Lolet Abania | September 25, 2020




Nagsampa ng reklamo ang aktres na si Julia Barretto sa National Bureau of Investigation (NBI) kanina laban sa dating broadcaster na si Jay Sonza tungkol sa inilabas nito sa Facebook na buntis siya at ang aktor na si Gerald Anderson ang ama.


Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, aalamin pa ng ahensiya kung ang sinasabi ni Sonza ay maiuugnay sa cyber libel o isang paglabag sa Safe Spaces Act.


Isang batas noong 2019, ang Safe Spaces Act ay tumutukoy at nagpaparusa sa sinumang magsasagawa ng gender-based sexual harassment sa mga kalye, public spaces, online, pinagtatrabahuhan, at educational o training institutions.


Matatandaang pinalabas ni Sonza sa kanyang Facebook post na buntis si Julia Barretto sa aktor na si Gerald Anderson.


Gayunman, noong Lunes, nag-post ang aktres sa kanyang IG account ng picture ng sarili na ipinapakita ang flat niyang tiyan. May caption itong: "FAKE NEWS".


Kasunod nito, binawi ni Jay Sonza ang kanyang FB post at sinabing napaaga ang kanyang pagbati kina Julia at Gerald dahil wala naman palang katotohanan na buntis ang aktres.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page