top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

'Juan', bigyan ng trabaho para may laban sa taas-presyo

BULGAR
Jun 9, 2022
1 min read

@Editorial | June 9, 2022


Patuloy ang kalbaryong dinaranas ng taumbayan dahil pa rin sa epekto ng pandemya na sinundan ng iba pang problema sa ibang bansa na sapul din ang ekonomiya ng 'Pinas.


Hindi mapigilan ang pagsirit ng presyo ng petrolyo at pagmahal ng mga bilihin at serbisyo.


Kung ang mga may trabaho ay hirap makasabay, paano pa kaya ang mga nawalan ng kayod na hanggang sa ngayon ay hirap makahanap ng mapagkakakitaan?


Malaking tulong ang ayuda mula sa gobyerno pero batid naman nating hindi ito pangmatagalan, iba pa rin kung may pagkakataon na makapagtrabaho.


Kaugnay nito, sa darating na Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, aabot sa 88,677 trabaho ang alok sa job fair na idaraos ng Department of Labor and Employment (DOLE).


Sa bilang na iyon, 80,627 ang local employment na karamihan ay nasa manufacturing, business process outsourcing, construction, at logistics.


Nasa 8,050 naman ang puwedeng apply-an sa overseas employment.


Sa Bulacan Capitol Gymnasium ng Malolos idaraos ang main event pero may kani-kanyang venue ang lahat ng rehiyon na maaaring makita sa website ng DOLE Bureau of Local Employment.


Umaasa naman tayo na marami ang mabibigyan ng pagkakataon sa job fair na ito. Minsan ang problema, maraming bakante pero konti lang ang natatanggap dahil ilang kadahilanan.


Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging masipag, tapat at madiskarte. Marami rin ang hindi namimili ng trabaho basta kumita nang marangal para sa pamilya.


Sana ang susunod na administrasyon ay mas magpokus sa trabaho. Ito ang isa sa makakatulong sa atin sa pandemya at krisis.


Mas mapalawak pa sana ang mga pagsasanay sa lakas-paggawa. Higit sa lahat, mas mapagtuunan ng pansin ang pangangailangan ng mga manggagawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page