Join sa mga kapwa artista na tutol sa bagong batas ni P-Du30…
- BULGAR

- Jul 8, 2020
- 2 min read
SIGAW NI JOHN LLOYD: ANTI-TERROR LAW, IBASURA!
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 8, 2020

Umanib na rin ang aktor na si John Lloyd Cruz sa mga kilalang personalities sa showbiz, pulitika at iba pang sektor ng lipunan na tutol sa pagpasa ng Anti-Terror Bill na inaprubahan ni Presidente Rodrigo Duterte kamakailan.
Sa isang video na naka-post sa Facebook page ni Sen. Francis "Kiko" Pangilinan ay nakabungad ang mukha ni John Lloyd.
May caption na: "#JunkTerrorLaw at #UnitedForDemocracy" ang naka-post na video sa FB ng mister ni Megastar Sharon Cuneta.
Isang sama-samang bigkasan para sa tula ni Charlie Chaplin na The Great Dictator Speech na tinranslate ni Roda Vera sa Filipino, mga kilalang personalidad sa showbiz, pulitika, broadcasting, public service at iba pang sektor ang laman ng video.
Kaya naman, naka-"Charlie Chaplin look" si Lloydie sa video, banat ang buhok na may pomada (hair gel) at may maigsing bigote, habang ang kanyang suot ay isang white long sleeves na naka-closed neck.
Bukod kay John Lloyd, nagbigkas din ng ilang linya sa tula ni Charlie Chaplin ang mag-inang Janine Gutierrez at Lotlot de Leon, Jasmine Curtis Smith, Agot Isidro, Iza Calzado, Glaiza de Castro, Nanding Josef, Mae Paner, Bituin Escalante at si Mareng Winnie Monsod.
Nagsalita rin sa video ang batikang direktor na si Joel Lamangan, ang mag-asawang Carlito Siguion-Reyna at Bibeth Orteza at si Lav Diaz.
At ang ilan pang kilalang personalities na nasa video ay sina Sen. Kiko, Sen. Risa Hontiveros, si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Neri Colmenares (uncle ni Angel Locsin), Chel Diokno, Ted Te, Randy David, Kit Belmonte, ang National Artist na si Ben Cab at si Rep. Carlo Zarate.
Kaisa na rin si Lotlot ng kanyang anak na si Janine na very vocal sa paglalabas ng opinyon sa mga isyu ng bansa. Kakatuwang malaman na all-out ang support ni Lotlot kay Janine. Parang si Mega lang sa anak niyang si Frankie Pangilinan.
It's good na out na rin si John Lloyd sa paglalabas ng kanyang posisyon sa nagaganap sa bansa. At dahil d'yan, umani ng magagandang comments sa mga netizens si John Lloyd and at the same time, panlalait mula sa mga 'di naniniwala sa kanilang ipinaglalaban.
Same thing with John Lloyd's co-Kapamilya actor na si Piolo Pascual. Ang daming bumabatikos ngayon kay Piolo. Isa raw pala siyang member ng DDS o nagtatanggol kay Pres. Duterte at sa mga pamamalakad nito sa bansa.
No wonder, gusto nang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport at gawing Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas. In short daw ay tatawaging PaPaPi.
Ganern!





Comments