top of page

Janella, knows mo ‘yan? KLEA, GUSTONG MAKATIKIMAN SI PIOLO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 29, 2025



Klea Pineda

Photo: Klea Pineda



Openly LGBT member ang Kapuso actress na si Klea Pineda at kahit hindi pa sila diretsahang umaamin ng nali-link sa kanya ngayong si Janella Salvador, marami ang naniniwalang may special relationship na sila.


Hindi naman din idine-deny ni Klea na gusto niya si Janella, pero mas gusto lang daw niyang protektahan ang privacy ng love life niya ngayon dahil nadala na nga siya sa past relationships niya na masyadong open at maraming sinasabi ang halos lahat ng tao kahit hindi naman siya personal na kilala.


Pero kahit pa babae ang gusto ni Klea, open din naman daw siyang makipag-kissing scene sa lalaki kung sakaling kailangan sa role, dahil ang katwiran ni Klea, aktres siya at gusto niyang subukan ang lahat para maging tunay na aktres.


And when asked kung sino naman ang bet niyang maka-kissing scene sa mga aktor natin kung saka-sakali, nag-isip muna si Klea at saka sumagot ng “Hmmm, sa sobrang tibo ko, ‘di ko na alam… Ahhh, Piolo Pascual, Piolo Pascual.”

Oh, ha? Piolo Pascual lang talaga sakalam!!!



Vlogger, bida na rin sa movie…

SASSA GURL, AYAW MAGING NEXT VICE GANDA



ANG bongga ng vlogger-content creator-turned movie actor na si Sassa Gurl, bida na ito sa isa sa 7 full-length films na finalists sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026 na ini-announce last Saturday na ginanap sa Gateway Mall Cineplex 12.

Present si Sassa sa event para sa kanilang movie na Multwoh at bilang suporta sa kanyang direktor na si Rodina Singh.


Ang iba pang lucky entries na napili para sa Puregold CinePanalo Filmfest 2026 na under ng pamamahala ng Festival Director nitong si Sir Chris Cahilig ay ang mga sumusunod: Wantawsan by Joseph Abello, Mono No Aware by BC Amparado, Apol of My AI by Thop Nazareno, Patay Gutom (Dead Hungry) by Carl Papa and Ian Pangilinan, Beast by Lawrence Fajardo, at Stuck on You by Mikko Baldoza.

Sobrang happy si Sassa Gurl na isa nga ang Multwoh sa mga napili dahil siyempre, ibig sabihin ay bagong blessing ito sa kanya.


Aminado si Sassa na marami siyang pangarap para sa kanyang pamilya at sa sarili. Sobrang thankful nga siya na nabigyan ng pagkakataon sa showbiz dahil ito raw ang bumubuhay sa pamilya niya at nagbigay ng bahay sa kanila.


Nakikita namin kay Sassa Gurl si Vice Ganda nu'ng nangangarap pa lang ito sa showbiz at sa talent ng vlogger sa pag-arte na nakita naman sa Balota movie ni Marian Rivera, hindi malayong sumunod siya sa yapak ng Unkabogable Star.

Kaya naman natanong namin si Sassa kung nakikita ba niya ang sarili na magiging next Vice Ganda.


Sagot nito, “Ako, ayoko nang sabihin ‘yun kasi Meme is Meme. ‘Yung nagawa ni Meme, nag-extend hindi lang sa akin kundi sa maraming-maraming tao. ‘Yung nagawa ni Meme, incomparable ‘yun. At kung ma-surpass ko man ‘yun, it always goes back to Meme. I will never level to Vice Ganda, talagang kakaiba ang mga nagawa niya.

“Kung sinasabi man nila na ako ‘yung next Vice Ganda, hindi ko pa rin tatanggapin ‘yun kasi I want to be myself, Sassa Gurl.”


Anyway, sobrang suwerte ng 7 full-length films na napili this year dahil last year ay P3 million production grant lang ang ibinigay sa mga finalists pero ngayon ay P5 million na.


So, expect na nating mas magaganda ang production value ng mga entries this year at baka may mga sikat na celebrities na ring makuha as lead star.

Panalo talaga ang Puregold CinePanalo Filmfest, ‘di ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page