Israel, tuloy ang pag-atake sa panahon ng Ramadan
- BULGAR

- Feb 21, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | February 21, 2024

Tuloy ang mga pag-atake at operasyon ng Israel sa Rafah City sa Gaza kahit sa panahon ng Ramadan.
Ayon kay war cabinet minister Benny Gantz, hindi sila titigil kahit magsimula ang Ramadan sa Marso 10 kung hindi papakawalan ng Hamas ang kanilang mga bihag.
Mayroong 130 bihag ang hawak ng Hamas sa kasalukuyan.
Binigyang-diin na rin ng Israel na hindi ito susunod sa hiling ng ibang bansang pansamantalang tigil-putukan.





Comments