top of page

Iskul na ginawang quarantine facility, 'wag gamiting evacuation center - DepEd

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | November 13, 2020



Umabot sa P5.695 billion ang halaga ng pinsalang idinulot ng Bagyong Rolly at Ulysses na sumira sa mga gusali ng eskuwelahan at maging sa mga learning materials, ayon kay Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones.


"'Yung kay Rolly pa lamang ay aabot ng P4.895 billion, tapos 'yung kay Ulysses, P800 million," ani Briones sa briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes.


Kabilang sa mga nasira ang school laboratories, libraries at gadgets dahil sa dalawang malalakas na bagyo na tumama sa Luzon.


Gayunman, ayon kay Briones, ang inilabas nilang initial figures ay kailangan pang i-review sa tulong ng NDRRMC at iba pang kaugnay na government agencies.


Dahil sa walang face-to-face classes, nabawasan ang naging epekto nito sa mga guro at estudyante na dala ng nasabing bagyo.


Ayon kay Briones, may kabuuang 345 paaralan o katumbas ng 1,370 classrooms ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation centers ng mahigit 8,800 pamilya sa maraming rehiyon na labis na naapektuhan ng Bagyong Rolly at Ulysses.


Nagpaalala naman si Briones sa awtoridad na may ilang school buildings ang ginawang quarantine facilities para sa mga COVID-19 patients at hindi dapat pagsamahin ang mga evacuees at mga tinamaan ng Coronavirus.


"Kailangan, hindi paghaluin. Kung mayroong quarantine, dapat i-avoid natin na gagamitin ang same school as evacuation center," sabi ni Briones.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page