Isang taon na namang pagtitiis sa mga wa' 'wenta at abusadong kapitan!
@Editorial | September 22, 2022
Tagilid pa rin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Nakalusot na sa Kamara ang panukalang batas na huwag ituloy ang halalan ngayong taon sa halip ay sa Disyembre 2023 na lamang.
Ang unang maiisip ay sayang naman ang pondo na nagastos na para sa preparasyon.
Bilang tugon, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na hindi masasayang ang ginastos sa paghahanda sakaling tuluyan itong ipagpaliban. Magagamit pa rin umano sa susunod na taon ang mga ito.
Bagama't una nang sinabi ng pamunua ng Comelec na kakailanganin ng kanilang komisyon ng dagdag na P5 bilyon kung ipagpapaliban ang eleksyon.
Higit sa gastos, isa sa nakalulungkot na kasabay ng pagpapaliban sa halalan ay ang pananatili ng mga pasayaw na kapitan.
Batid naman natin na hindi lahat ng nasa puwesto ay matino. May mga iresponsable, abusado at wala talagang kakayahan at puso sa paglilingkod sa taumbayan. Sila sana 'yung mga dapat nang mapalitan.
Gayunman, dahil namumurong hindi na naman matuloy ang eleksyon, extended na naman ang pagtitiis.
Wala naman tayong magagawa kapag naging batas na, bawi na lang next year at sana ay matuloy na.



Comments