top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Isaisip natin ang sakripisyo at tagumpay ni Hesu-Kristo

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | April 4, 2023


Maging tagapaghatid ng katotohanan at mas mabuting ahente ng pagbabago sa pamamagitan ng higit na pagkilala kay Hesu-Kristo sa pagdiriwang ng Semana Santa.


Ito ang naging panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipino nitong Palm Sunday.


Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni P-BBM ang kahalagahan ng pagtutuon ng ating kaisipan at mga kilos sa muling pagkabuhay ng Panginoon at ang tagumpay na ibinibigay nito hanggang ngayon.


Kahit aniya, mahirap na unawain ang mensahe ng kaligtasan at buhay na walang hanggan, ito ay napapanahon pa rin gaya ng dati.


Kaya’t hinihikayat niya ang lahat na gawing personal ang pangako at pagnanais na mas makilala si Hesu-Kristo upang maging mas mabuting ahente ng pagbabago at tagapaghatid ng katotohanan saanman tayo pumunta.


Sinabi rin ng Pangulo na ang Diyos, sa Kanyang banal at walang hanggang karunungan, ay nagpakita ng Kanyang hindi masusukat at walang kapantay na pag-ibig sa ating lahat sa pamamagitan mismo ni Hesu-Kristo.


Nanawagan din ang Punong Ehekutibo sa mga Pilipino na muling ipakita ang pagkakataong malalim na pag-isipan ang epekto ng passion o paghihirap at kamatayan ni Kristo.


Kung babalikan natin ang mga nagdaang taon, hindi maiiwasan na maisip natin ang hirap na dinanas, lalo na sa panahon ng pandemya.


Subalit, sa kabila ng mga naganap sa bawat isa sa atin ay nalampasan natin ito, at nagpapakita lamang nito ang katatagan at pananampalataya natin sa ating Diyos na lumikha.


Tulad ng ginawa ni Hesu-Kristo sa krus, isinakripisyo Niya ang Kanyang buhay upang tayong lahat na Kanyang lubos na minahal ay maligtas.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page