ni Angela Fernando - Trainee @News | February 24, 2024
Mariing itinanggi ng Iran na nagbenta ito ng mga ballistic missiles sa bansang Russia.
Saad ng Permanent Mission of the Islamic Republic of Iran sa United Nations, hindi sila magbebenta ng ballistic missiles kahit walang probisyon sa pagbabawal na magbenta nito habang may gusot ang Russia at Ukraine.
Ito ay matapos na sabihing ayaw nilang makaladkad sa labanan ng dalawang bansa.
Nagpahayag na nu'ng una ang US National Security Council spokesperson na si John Kirby na mayroong ebidensiyang nagpapatunay na nagbenta ng ballistic missiles ang Iran sa Russia
Comentarios