top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ipinadalang imbitasyon sa SONA kay Vice-President Robredo, sa Zoom lang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 26, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | July 26, 2020




Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi pisikal na dadalo si Vice-President Leni Robredo sa batasang Pambansa sa Lunes para marinig ang State of the nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo, nakatanggap umano ito ng isang imbitasyon para sa SONA ng pangulo, ngunit, via Zoom lamang.

Aniya, "Hindi ako imbitado sa House of Representatives. Na-receive namin na invitation ay Zoom, so iyon ang pupuntahan ko."

Dagdag pa ni Robredo, nilaanan nito ng schedule ang SONA ni Pangulong Duterte dahil io umano ay obligasyon ng isang public official. Kaya naman, kahit hindi siya imbitado ay sa Zoom na lamang siya sasali.

Sinabi rin ni Robredo na inaasahan niyang sasabihin na ni Pangulong Duterte ang kongkretong plano para malabanan ang COVID-19 at malinaw na report ng lahat ng nakamit ng administrasyon sa nakalipas na taon.

"Gusto nating malaman sa SONA ano iyong plano. Matagal na nating tinatanong kasi parang hindi kumpleto iyong napapanood natin doon sa weekly meetings. Hopefully tomorrow, kumpletong mailalahad,” dagdag pa ni Robredo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page