top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Interior Sec. Abalos, nilagay sa kahihiyan ang PNP

BULGAR
Jan 12, 2023
1 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 12, 2023


SINO SA MGA TAGA-DA ANG MALALAGOT SA TAAS-PRESYO NG SIBUYAS?—Umaksyon na rin ang Office of the Ombudsman sa isyu ng sobrang mahal na presyo ng sibuyas at ipinagpapaliwanag ang Department of Agriculture (DA) kung bakit ang itinitindang per kilo ng sibuyas sa mga Kadiwa store ay P170/kl lang, pero sa palengke umabot ng P720/kl.


Duda ng Ombudsman, may nangyayaring katiwalian.


Sino kaya sa mga opisyal ng DA ang malalagot? Abangan!


◘◘◘


DAPAT MAGKAISA ANG MGA MAMBABATAS NA MANAWAGAN KAY P-BBM NA SAMPAHAN NG KASO ANG MGA AGRI-SMUGGLERS—Kapag sinabing smuggling, ilegal 'yan—at may kasong economic sabotage.


Kaya 'ang pinaplano ng mga senador at kongresista na imbestigahan ang talamak na agri-smuggling sa bansa ay wala nang katuturan kasi ang smuggling ay labag sa batas.


Kung ayaw ng mga mambabatas magsampa ng kasong economic sabotage sa mga agri-smugglers, magkaisa na lang sila na irekomenda kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, na gobyerno ang magsampa ng kaso laban sa mga smugglers.


◘◘◘


INILAGAY NI INTERIOR SEC. ABALOS SA MALAKING KAHIHIYAN ANG PNP ORGANIZATIONS—Kung ang ginawa ni Interior Sec. Benhur Abalos ay sinampahan ng kaso ang wala pa sa 10 police colonels at police generals na sinasabing sangkot sa droga, tiyak na bida ang tingin sa kanya ng publiko.


Pero ang masaklap, hindi niya pinakasuhan at sa halip ay pinagre-resign niya ang mahigit 300 police officers na may ranggong colonel hanggang heneral.


Kaya naman, nalagay sa malaking kahihiyan ang PNP organizations, nagmistulan kasi silang suspek na sangkot sa droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page