Intensity 4.4 na lindol sa Batanes
- BULGAR

- Nov 16, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 16, 2020

Niyanig ng 4.4-magnitude na lindol ang lalawigan ng Batanes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa nailabas na bulletin ng Phivolcs, alas-3:19 ng hapon ngayong Lunes, November 16 naramdaman ang pagyanig sa layong 21.59°N, 121.21°E - 110 km N 37° W ng Itbayat, Batanes, may lalim na 033 kilometers at tectonic in origin.
Wala namang naitalang nasaktan matapos ang lindol.
Pinapayuhan ng Phivolcs ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat sa posibleng pagkakaroon ng aftershocks.








Comments