top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Insidente sa Lagusnilad, Manila, pinag-uusapan ng mga netizens

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2020
  • 1 min read

Updated: Jul 20, 2020

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 18, 2020





Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang isang lalaking nakahandusay sa ilalim ng tulay ng Lagusnilad, Manila.


Kalakip ng ilang kuhang larawan, post ng netizen sa Facebook, “Ouch, lalaking driver ng L300 van binaril ngayon lang pong 4:14 PM dito po ‘yaaaaaan mismo sa ilalim ng Lagusnilad.


Ingat po tayo sa biyahe mga kaibigan pagkat nagkainitan daw po sila sa trapik!”


Ngunit post naman ng isa pang netizen, “Banggaan dito sa may Lagusnilad harapan nang Manila City Hall pero ‘yung iba ayon sa kanila ay may nagbarilan... Baka po may nakakaalam sa totoong pangyayari o kakilala n’yo ‘yung patay na nakahilata naka-blue.”


Hindi pa malinaw kung ano ang tunay na dahilan ng insidente at makikita rin sa ilang larawan na mayroon militar na tila iniimbestigahan na ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page