top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Iniwanan ng live-in partner nang nabuntis, makakahanap ng iba at pakakasalan pa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| August 23, 2020




KATANUNGAN

  1. Malungkot ang nangyari sa aking love life dahil nang magka-anak kami, iniwanan ako ng live-in partner ko at sumama sa ibang babae na mas bata sa akin. Ano ang nakaguhit sa mga palad ko, babalik pa ba ang ka-live in kong ito?

  2. Kung hindi na siya babalik, sa edad kong 29, magkaka-boyfriend o makapag-aasawa pa ba akong muli? Kung oo, tatagal at magiging panghabambuhay na ba ito?

KASAGUTAN

  1. Kung nabigo at lumuha ka man sa unang pakikipagrelasyon, masasabing sa ikalawa ay mas malamang na palarin ka na. Sapagkat kapansin-pansing bagama’t pumangit ang unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.), maganda at maayos naman ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na bagama’t nagkamali ka ng lalaking minahal sa unang pagkakataon, ‘wag ka nang malungkot at mawalan ng pag-asa dahil sa muling pakikipag-relasyon, sa lalaking kayumanggi ang kulay ng balat at medyo maskulado ang pangangatawan, tunay ngang susuwertehin at pagpapalain ka na ng langit. Ito ay madali namang kinumpirma at pinatunayan ng magulong lagda sa simula at gitnang bahagi, ngunit unti-unti namang naayos at gumanda sa gitna hanggang dulong bahagi.

  3. Ibig sabihin, mula sa edad mong 29 pataas, ganap at tunay na ngang magbabago at gaganda ang buhay mo, partikular sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, lalo na't kung mula ngayon ay uugaliin mong gumamit at magsuot ng mapalad mong kulay na berde at dilaw. Tulad ng nasabi na, sa nasabing kulay, kung patuloy mong gagamitin, hindi ka lang sa love life susuwertehin kundi sa halos lahat ng aspeto ng iyong buhay tulad ng pananalapi at ganundin sa pag-ibig at sa materyal na bagay.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Geraldine, bagama’t noong mga nagdaang panahon ay nalilito ka sa iyong kapalaran at sa magiging kapalaran ng iyong anak matapos kang iwanan ng dati mong live-in partner, manalig ka dahil mala-dramatikong magbabago ang iyong kapalaran sa pagdating ng lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Aries.

  2. Ayon sa iyong mga datos, sa piling ng nabanggit na lalaki na siya na ring itatalang ikalawang pag-ibig at pakikipagrelasyon, kahit single mom ka ay pakakasalan ka niya. Gayundin, ang nasabing pag-iisang-dibdib ay tuluy-tuloy na ring hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pag-ibig na mangyayari sa 2023, sa edad mong 33 pataas.

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page